Napakalungkot ko
Pag-usapan natin ang tungkol sa kalusugan ng isip
Mga taga-Chicago, naririnig namin kayo – at narito kami para sa inyo.
Kadalasan, ang pagharap sa isang hamon sa kalusugan ng isip ay isang tahimik, panloob na pakikibaka – ngunit hindi kailangang ganito. Kahit na ang mga sandaling kailangan natin ng tulong ang pinakamahirap na paghiling nito, hindi ka nag-iisa. Nauunawaan namin na kailangan mo kung minsan ng balikat na masasandalan, kaya naman nakatuon ang Lungsod ng Chicago sa pagsuporta sa iyong kalusugang pangkaisipan gamit ang mga madudulugang kinakailangan upang mapanatiling maayos ang ating mga komunidad.
Maghanap ng Suporta sa Kalusugan ng Isip Sa Aking KapitbahayanAng Kailangang Sabihin: Ashima
Ang Kailangang Sabihin: Aaron
Mga Hadlang na Hindi Nasasabi: Dr. Ballestas
MYC Youth Mental Health Awareness
Kailangan ng suporta? Alamin ang ilang posibleng senyales
Ang mga hamon sa kalusugan ng isip ay naiiba para sa bawat isa, mula sa mga sintomas hanggang sa kalubhaan, ngunit saan ka man naroroon, palagi kang maaaring humingi ng suporta. Mahalagang malaman kung paano matukoy ang ilang karaniwang senyales na nagpapahiwatig na oras na para humingi ng tulong. Narito ang ilang bagay na dapat bigyang pansin:
Mga emosyon
Kalungkutan
Kawalan ng Pag-asa
Pagkairita
Pagkabalisa
Kahungkagan
Pagkawala ng interes sa mga bagay na dating kinahihiligan
Mga naiisip
Problema sa pagtutuon ng atensyon
Labis na pag-aalala
Magulong pag-iisip
Biglaang padalus-dalos na aksyon
Mga delusyon
Pag-iisip ng pagpapakamatay
Mga halusinasyon
Mga Palatandaan sa Katawan
Mga pagbabago sa ganang kumain at sa timbang
Mga pananakit, kirot at pananakit ng ulo
Sobra o kulang na pagtulog
Pagkapagod
Pagpapawis
Pagduduwal
GAWIN ANG SUSUNOD NA HAKBANG
Maghanap ng Suporta sa Kalusugan ng Isip Sa Aking Kapitbahayan
Kapag handa ka nang kumuha ng suporta, tumawag o mag-text sa NAMI Chicago Helpline sa 833-626-4244 o sa 311 upang tuklasin ang iyong mga opsyon.
MGA KARANIWANG TANONG
Tumawag sa 311 o sa NAMI Chicago sa 833-626-4244 para makausap ang isang tao na makakatulong sa iyong maghanap ng mga partikular na madudulugan na hinahanap mo. Maaari ka ring maghanap ng isang therapist dito.
Mayroong ilang mga tagapagbigay ng serbisyo sa Chicago na nag-aalok ng mga serbisyo sa kalusugan ng isip anuman ang kita, katayuan sa seguro, katayuan sa imigrasyon o kakayahang magbayad. Kabilang dito ang mga Mental Health Clinic ng Lungsod ng Chicago, mga Federally Qualified Health Center, at ilang Community Mental Health Center. Tumawag sa 311 o sa NAMI Chicago sa 833-626-4244 upang makipag-usap sa isang tagapayo na maaaring magturo sa iyo ng mga opsyon sa paggamot, o maghanap sa direktoryo ng madudulugan dito.
Maraming mga ahensya ng kalusugang pangkaisipan ang nagbibigay ng mga serbisyo para sa mga kabataan at pamilya sa kanilang opisina, paaralan, komunidad, o iba pang mga lugar. Nag-iiba ang mga serbisyo ayon sa pangangailangan, kaya mahalagang magsimula sa isang tagapagbigay ng serbisyo na makakatulong sa pagtatasa sa mga pangangailangan ng iyong anak at makapagbibigay sa iyo ng plano ng serbisyo. Tumawag sa 311, sa hotline ng NAMI, o maghanap dito ng tagapagbigay ng serbisyo.
Ang ibig sabihin ng Telehealth ay pagtanggap ng mga serbisyong pangkalusugan mula sa malayo sa pamamagitan ng telepono, internet, at/o mga platform ng videoconferencing. Ang Telehealth ay ligtas, kumpidensyal, at saklaw ng karamihan sa mga plano ng seguro. Maraming tagapagbigay ng serbisyo sa kalusugang pangkaisipan sa Chicago ang nag-aalok ng telehealth. Kapag nakipag-ugnayan ka sa isang tagapagbigay ng serbisyo, tanungin sila kung kaya nila itong ibigay.
Ang pakikipag-usap tungkol sa sarili mong mga isyu sa kalusugan ng isip ay maaaring maging mahirap, kahit na sa mga malalapit na kaibigan o miyembro ng pamilya. Gayunpaman, ang pagpapahayag ng mga bagay-bagay ay maaaring maging kapaki-pakinabang at magandang paalala na hindi ka nag-iisa sa mga damdaming maaaring nararanasan mo. Ang pakikipag-usap sa isang taong pinagkakatiwalaan mo at pagiging bukas at tapat tungkol sa iyong nararamdaman ay maaaring makapagpapalaya. Kahit na hindi mo alam ang eksaktong tamang paraan ng pagpapahayag tungkol dito, narito ang ilang paraan para makatulong na maipahayag mo ang iyong nararamdaman at nararanasan.