Mga Sintomas at Kondisyon sa Kalusugan ng Isip
Pagdating sa sarili mong kalusugang pangkaisipan, maaari kang makaramdam ng pagkalito, pag-iisa, o kawalan ng kasiguruhan sa kung paano matukoy ang pangangailangan sa paghinging tulong. Narito ang ilang halimbawa ng ilang karaniwang sintomas at kondisyon sa kalusugan ng isip upang matulungan kang maunawaan ang maaaring nangyayari sa iyong mga emosyon, iniisip at kilos.
Mga Halimbawa ng mga Sintomas sa Kalusugan ng Isip
Depresyon
Karaniwang makaramdam ng lungkot sa mga bagay-bagay sa buhay – maaaring makapagpalungkot sa iyo ang pagkamatay ng isang kaibigan o mahal sa buhay, pagkawala ng alagang hayop, paglipat ng bahay o trabaho. Gayunpaman, ang depresyon ay karaniwang tinutukoy bilang isang kakulangan ng mga positibong emosyon, pakiramdam na malungkot, nanlulumo, o nalulumbay sa loob ng hindi bababa sa 2 linggo. Maaaring sanhi ito ng isang malungkot na pangyayari o ng kahit ganap na wala. Ito ang ilang karaniwang sintomas ng depresyon:
- Kawalan ng pag-asa, pagkawala ng interes sa mga aktibidad na dati mong kinagigiliwan, pagbabago ng mood, kalungkutan
- Mga pagkagambala sa pagtulog – hindi pagkatulog o labis na pagtulog
- Sobrang gutom o kawalan ng ganang kumain
- Madaling mairita o maagrabyado
- Paglayo sa mga kaibigan at kapamilya
- Kawalan ng konsentrasyon, kabagalan sa aktibidad o pag-iisip
Pagkabalisa
Karaniwang magkaroon ng stress o mag-alala tungkol sa isang kaganapan, tulad ng pakikipagkita sa bagong tao, pagsisimula sa bagong trabaho o pagkuha ng pagsusulit. Ang pagkabalisa ay isang kondisyon sa kalusugan ng isip na tinutukoy bilang labis na pag-aalala, na karaniwang nagaganap nang mas maraming araw, sa loob ng 6 na buwan. Ito ang ilang karaniwang sintomas ng pagkabalisa:
- Pakiramdam na iritable, ninenerbyos o hindi mapakali
- Kawalan ng konsentrasyon, magulong isipan o hindi gustong mga pag-iisip na mahirap alisin
- Pagkapagod o pagpapawis
- Labis na pag-aalala, biglaang pakiramdam na may nalalapit na kapahamakan, hindi makatulog, mabilis na pagtibok ng puso, pangangatal o panginginig
- Mga pisikal na sintomas tulad ng pananakit ng tiyan o pananakit ng ulo
May kaugnayan din sa pagkabalisa ang obsessive-compulsive disorder (OCD), social anxiety disorder, post-traumatic stress disorder (PTSD), panic disorder at mga phobia.
Bipolar Disorder
Ang buhay ay palaging may kasayahan at kalungkutan, ngunit ang bipolar disorder ay isang kondisyon ng isip na nagdudulot ng matinding pagbabago ng mood mula sa emosyonal na kasayahan (mania) patungo sa emosyonal na kalungkutan (depresyon). Ang mga pagbabago sa mood na ito ay kadalasang nakakaapekto sa pag-uugali ng isang tao. Ito ang ilang karaniwang sintomas ng bipolar disorder:
- Mga pagpapalit ng mood na nagbabago-bago sa pagitan ng kahibangan (mataas na enerhiya, ngunit maaari ring maging magagalitin, hindi mahulaan at gumagawa ng mga hindi kinakailangang panganib) at depresyon (mababa ang enerhiya, tulad ng pakiramdam na hindi ka makabangon sa kama)
- Para sa mga dumaranas ng bipolar disorder, ang panganib ng pagpapakamatay o pag-iisip ng pagpapakamatay ay mas mataas anuman ang kahibangan o depresyon.
Karamdamang Stress Pagkatapos ng Trauma (Post-Traumatic Stress Disorder, PTSD)
Ang pagkaranas ng isang nakakatakot na kaganapan o pagkasaksi sa ganito ay maaaring humantong sa nakakainis at hindi makontrol na mga pag-iisip tungkol sa kaganapan, mga pagkabangungot, at matinding pagkabalisa. Ang reaksyong ito ay karaniwan, ngunit kung magpapatuloy ito ng ilang buwan pagkatapos ng kaganapan, maaaring isa itong post-traumatic stress disorder. Ito ang ilang karaniwang sintomas ng PTSD:
- Pagbabalik-tanaw sa kaganapan sa pamamagitan ng mga pagkaalala o hindi gustong nakababahalang mga alaala sa traumatikong kaganapan
- Nakakainis na mga panaginip o bangungot tungkol sa traumatikong pangyayari
- Matinding emosyonal na pagkabalisa o pisikal na mga reaksyon sa isang bagay na nagpapaalala sa iyo ng trauma
- Pag-iwas sa pag-iisip o pakikipag-usap tungkol sa trauma, o pag-iwas sa mga lugar, aktibidad o mga taong nagpapaalala sa iyo sa trauma
- Mga negatibong pagbabago sa mood kabilang ang:
- Kawalan ng pag-asa tungkol sa hinaharap
- Mga problema sa memorya
- Kawalan ng interes sa mga aktibidad
- Pakiramdam na parang manhid
- Mga pagbabago sa pisikal at emosyonal na mga reaksyon:
- Pagiging magugulatin o magagalitin
- Laging nakabantay
- Problema sa pagtulog o pagtutuon ng atensyon
- Mapanirang pag-uugali sa sarili
- Para sa mga batang edad 6 o mas bata, maaari ring kabilangan dito ang muling pagsasabuhay sa trauma o mga aspeto ng trauma sa pamamagitan ng pagsasadula
Sikosis
Isang kondisyon sa kalusugang pangkaisipan na pinakanauugnay sa pagkadiskonekta sa katotohanan. Maaaring kabilang dito ang pagkakita o pagkarinig ng mga bagay na wala naman talaga, matinding inis o pagkabalisa, o hindi magkakaugnay na pananalita.
- Mga Sintomas:
- Pagkakita, pagkarinig, pagkaramdam, pag-iisip, o pagkaranas ng isang bagay na hindi tumutugma sa isang realidad na nakikita ng iba
- Ang sikosis ay maaaring sanhi ng:
- Mga karamdaman sa schizophrenia spectrum
- Mga matinding karamdaman sa mood
- Mga matinding karamdaman sa personalidad
- Mga karamdaman sa paggamit ng sangkap