MYC Youth Mental Health Awareness
Transkrip
CHRISTOPHER: Hi, ako si Christopher Jones, pumapasok ako sa Northside College Prep.
MICHELLE: Ako si Michelle Morales.
ANOUSHKA: Anoushka Lal ang pangalan ko at miyembro ako ng Mayor’s Youth Commission. Ang Mayor’s Youth Commission ay isang grupo ng mga kabataan sa buong Chicago na napakasigasig tungkol sa patakaran ng lungsod, na partikular na interesado tungkol sa kalusugan ng publiko sa Chicago.
CHRISTOPHER: Para sa akin, ang kalusugan ng isip ay katulad lang ng ibang kalusugan at kasinghalaga ito ng anumang kalusugan. Pakiramdam ko, ang kalusugan ng isip ay parang, tulad ng, pagseguro sa kagalingan sa lipunan, pagkakaroon ng pakiramdam ng pagiging kasama at pakiramdam na tinatanggap, mahalaga at pinahahalagahan sa iyong komunidad.
MICHELLE: Masasabi ko na ang kalusugan ng isip ay parang, napakahalaga sa akin.
ANOUSHKA: Binago ng COVID ang lahat ng ating buhay. Ang paraan ng pag-iisip ko tungkol dito, iniisip ko ang buhay bago ang COVID at pagkatapos ng COVID, sa diwa na naihiwalay tayong lahat, nasa malayo sa loob ng maraming buwan. Para sa marami sa atin, negatibong naapektuhan nito ang kalusugan ng ating isip.
CHRISTOPHER: Ang paglipat mula sa pandemya at pagkakaroon ng parang, isa at kalahating taon na halos nakakulong sa bahay, talagang malaki ang naging epekto nito sa maraming estudyante sa high school.
MICHELLE: Kinailangan ang pandemyang iyon para mapagtanto ko kung gaano kahalaga sa akin ang kalusugan ng isip, dahil noong panahon ng pandemya, parang nakahiwalay lang ako nang nag-iisa at sa aking bahay. Nasa kwarto lang ako buong araw at parang, ginawa akong mapag-isa kasama ng mga naiisip ko.
ANOUSHKA: Napakahalaga na maunawaan natin na may pagkakaisa sa pagharap sa COVID, na lahat tayo ay sama-samang dumaranas ng karanasang ito na hindi dapat harapin ng sinuman sa atin. Ang kalusugan ng isip ay kadalasang hindi mahalaga pagdating sa paraan ng ating pamumuhay at kadalasang nagpapapahina iyon sa atin. At sa palagay ko, sa pagtiyak na mayroon tayong malusog na sistema sa kalusugang pangkaisipan at mayroon tayong mga madudulugan, nasa atin ang mga tao, na sa pakiramdam natin ay ligtas tayo.
MICHELLE: Sa paglaki, hindi kailanman natalakay ng aking mga magulang ang tungkol sa kalusugan ng isip, at sa high school lang na natutunan ko na, tulad ng, isa itong bagay na dapat mong sinasabi, ang iyong mga emosyon at mga bagay-bagay.
CHRISTOPHER: Ang mga paaralan ay talagang dapat na magkaroon ng mga uri ng mga madudulugan upang masabi kapag nangangailangan ng tulong ang mga mag-aaral. Ang club na kinabibilangan ko ay ang Thinking Out Loud. Isa itong club na nagtataguyod sa kalusugan ng isip na itinatag ko noong nakaraang taon sa paglalayong tulungan ang mga mag-aaral na magkaroon ng pakiramdam ng kagalingan sa lipunan, sa isipan at para makabuo ng magandang koneksyon sa mga kapantay at guro sa pamamagitan ng, tulad ng, mga nakapagpapasigla na aktibidad at workshop.
MICHELLE: Bahagi ako ng aking club sa kalusugan ng isip sa paaralan, na tinatawag na Thinking Out Loud. Ang mga taong nakikilala ko, ang nakatulong para mapagtanto ko na may mga taong dapat tulungan.
CHRISTOPHER: Ang pinakamalaking payo ko para sa taong nahihirapan sa kalusugan ng isip, ngunit nag-aalangan na humingi ng tulong ay malaman mo sana na hindi ka nag-iisa. Napakaraming tao ang dumaranas ng nararanasan mo, gaano man karami ang nagsasabi sa kapaligiran mo na hindi.
MICHELLE: Malaki ang naitutulong sa akin na malaman na hindi ako nag-iisa dito sa pagharap sa kalusugan ng isip.
CHRISTOPHER: Talagang natagpuan ko ang aking komunidad na lubos na tumatanggap.
ANOUSHKA: Napakaraming madudulugan sa Chicago, tulad ng sinabi natin, mula sa Unspoken hanggang sa MyChi, MyFuture hanggang NAMI, hanggang sa Brave Space Alliance hanggang sa Thresholds. Bukod dito, ang mga hakbang na maaari mong gawin sa paaralan, maaari kang magsimula ng iyong sariling club sa kalusugan ng isip. Isang bagay yan na maaari mong direktang gawin.
ANOUSHKA: Isang club na nilikha ng kasamahan na tumatalakay tungkol sa kalusugan ng isip at ginagawang ligtas, pantay at inklusibong ligtas na lugar ang iyong paaralan para sa mga mag-aaral. Kausapin mo lang ang mga kaibigan mo. Tanungin mo sila kung kumusta sila dahil hindi mo alam kung ano ang nararamdaman ng isang tao sa loob nila. At, simple lang, “kumusta ang araw mo?” O, “kumusta ba talaga ang pakiramdam mo? May magagawa ba ako para matulungan ka?”
ANOUSHKA: Malaki talaga ang maitutulong niyan para sa sinumang medyo nalulungkot o sinumang gustong makipag-usap. At, higit sa lahat, siguraduhing maayos ang pakiramdam mo sa iyong kalusugang pangkaisipan.