Mga Hadlang na Hindi Nasasabi: Dr. Ballestas
Transkrip
AARON: Talagang natatakot ako na magbukas at makipag-usap sa mga tao.
ASHIMA: Naaalala kong hindi ako nagsasalita, dahil nais kong mapag-isa. Humihiwalay ako mula sa mundo.
AARON: Sa paglaki, sang-ayon sa kultura sa aming komunidad ng Afrikanong Amerikano at sa pagiging lalaki, tinuturuan kang tanggapin na lang ito.
DR.MIRNA BALLESTAS: Kadalasan, nag-aalangan ang mga indibidwal na lumapit sa mga propesyonal sa kalusugan ng isip. Laging may ganitong kaugnayan, mas malala pa ang iba. Hindi ko kaya, bawal akong makaramdam ng panghihina o makaramdam na naiipit sa karanasang ito o sa mga damdaming ito.
ASHIMA: Sa tingin ko, may mga kahihiyan sa ideyang ito na kung nabubuhay kang may kondisyon sa kalusugan ng isip, hindi ka maaaring mamuhay ng malusog, masaya, at masaganang buhay.
AARON: Napakahirap para sa akin ang unang pagkakataon na magsimula akong humingi ng tulong. Napakalaking hamon nito.
ASHIMA: Ang totoo niyan, gusto ko lagi itong pag-usapan, dahil iyon mismo ay nakakagaling na.
DR.MIRNA BALLESTAS: Gagawin ko ang aking makakaya para magbigay-galang at mag-alok ng malusog at ligtas na espasyo.
AARON: Parang nakakasigla na sabihing, uy, alam mo, hindi maganda ang pakiramdam ko ngayon, dok. At palagi siyang nakatutok dito.
ASHIMA: Mayroon akong tamang sistema ng suporta, at palagi akong magsasalita tungkol sa kalusugan ng isip sa anumang kapasidad na magagawa ko.
AARON: May mga taong makakausap mo. Kailangan lang nating ipaalam sa mga tao na nagmamalasakit tayo