Tungkol sa Amin
Pagdating sa kalusugan ng isip, nakatuon ang Lungsod ng Chicago sa pakikinig sa iyo at pagtulong na makuha mo ang suporta na kailangan mo. Mayroon kaming mahigit 100 klinikang pinopondohan ng publiko na nagbibigay ng mga serbisyo sa kalusugan ng isip sa buong lungsod, kasama ang dose-dosenang hindi pangnegosyong sentro ng komunidad para sa kalusugan ng isip. Ang Framework for Mental Health Equity ay lumilikha ng isang network ng pangangalaga sa buong lungsod, pinopondohan ang mga tagapagbigay ng serbisyo sa komunidad at pinupunan ang mga kakulangan upang magamit ng lahat ng taga-Chicago ang mga serbisyo sa kalusugan ng isip na kailangan nila – kahit kailan at saan nila kailangan ang mga ito.
Ang Pamumuhunan
Ginawang triple ni Mayor Lightfoot ang pondo sa kalusugan ng isip ng Lungsod mula noong 2019.
Diskarte
Pagtuunan ng pansin ang isang may koordinasyon, malawak na network ng pangangalaga sa buong lungsod upang matugunan ang trauma.
- Pamumuhunan sa mga Trauma-Informed Center of Care, na nagpapalawak sa mga serbisyo sa kalusugan ng isip sa mga komunidad na may pinakamataas na pangangailangan.
- Pamumuhunan sa limang klinika para sa kalusugan ng isip ng Chicago Department of Public Health, na nag-aalok ng mga serbisyo sa kalusugan ng isip sa mga taga-Chicago anuman ang kita, katayuan sa seguro, o kakayahang magbayad. Kabilang sa mga pamumuhunang ito ang mga pagpapahusay sa pisikal na imprastraktura, pagpapatupad ng telehealth, pagsisimula ng mga serbisyo sa bata at kabataan, at pagpapalawak sa mga serbisyong pang-saykayatriya.
- Pagpapalakas sa pag-iwas at pagtugon sa krisis sa mga komunidad na nakakaranas ng madaming pagtawag sa 911 na may kaugnayan sa kalusugan ng pag-uugali. Kabilang dito ang pagsasama ng mga propesyonal sa kalusugan ng pag-uugali sa call center ng 911, paglulunsad ng alternatibong bagong programa sa pagtugon, at pamumuhunan sa mga alternatibo sa departamento ng emerhensiya para sa pagpapanatag ng krisis sa kalusugan ng pag-uugali.
- Pamumuhunan sa mga programang mapanindigang paggamot sa komunidad o assertive community treatment (ACT) at pangkat ng suporta sa komunidad o community support team (CST) para sa mga taong may mga komplikadong pangangailangan sa kalusugan ng pag-uugali, upang mabawasan ang paulit-ulit na paggamit ng mga serbisyo sa krisis.
- Koordinasyon ng sistema sa kalusugang pangkaisipan, kabilang ang pampublikong komunikasyon, pagtataguyod ng patakaran, at pagpapalakas sa mga serbisyo sa kalusugan ng isip sa mga paaralan.
Mga Benepisyo
Mas maraming access, mas maraming equity.
- Maglilingkod sa libu-libong residente bawat taon
- Pinopondohan ang mga pinagkakatiwalaang organisasyon sa komunidad na nakaugat sa mga kapitbahayan
- Iniuugnay ang kalusugan ng isip sa pisikal na kalusugan at mga serbisyong panlipunan upang mapangalagaan ang buong tao
- Namumuhunan sa mga kasalukuyang klinika ng CDPH
- Gumagamit ng datos upang magabayan kung saan higit na kailangan ang mga pamumuhunan
- Pinopondohan ang mga serbisyong para sa mga kabataan
Suporta ng Komunidad
- Komunidad Network na Pangkalusugan
- Alivio Medical Center
- Annixter Center,
- Ann and Robert H. Luria Children’s Hospital of Chicago
- Asian Health Services Family Health Center
- BBC Family Services (Better Boys Foundation)
- Bobby Wright Comprehensive Behavioral Health Center
- Bright Star Community Outreach (Pastor Chris Harris)
- Board of Health President
- Carolyn Lopez
- Community Counseling Centers of Chicago (C4)
- Center on Halsted
- Chicago Hispanic Health Coalition
- Erie Family Health Centers
- Esperanza Health Centers
- Habilitation Systems Inc
- Hamdard Health Center
- Heartland Alliance Health
- Heartland Health Centers
- Healthcare Alternative Systems (HAS)
- Howard Brown Health
- Human Resources Development Institute (HRDI)
- I AM ABLE
- The Kennedy Forum
- Lawndale Christian Health Center
- Lutheran Social Services of Illinois
- Metropolitan Family Services
- National Alliance on Mental Illness Chicago
- Rincon Family Services
- TASC Inc
- Thresholds
- Trilogy Behavioral Health