Mga Karaniwang Tanong Tungkol sa Kalusugan ng Isip
Kung mayroon kang mga tanong tungkol sa kalusugan ng isip, hindi ka nag-iisa. Napakaraming dapat malaman, at alam naming napakabigat nito. Narito ang ilang karaniwang tanong na madalas itanong ng mga tao tungkol sa kalusugan ng isip.
Ang positibong pagsasalita tungkol sa kalusugan ng isip ay isang hakbang na maaaring magpahiwatig sa iyong kaibigan o kapamilya na sinusuportahan mo ang kanilang kalusugang pangkaisipan o kagalingan ng kanilang isip. Kung sa tingin mo ay maaaring nakakaranas ang iyong kaibigan o kapamilya ng mga isyu sa kalusugan ng isip, narito ang ilang senyales na maaaring kailanganin nila ng tulong. Tanggapin na maaaring maramdaman ng lahat ang mga bagay na ito sa isang punto o sa ibang pagkakataon. Sabihin sa kanila na sinusuportahan mo sila at hindi sila nag-iisa. Kapag may pag-aalinlangan, isipin kung ano ang nais mong sabihin ng iyong mahal sa buhay upang maging komportable kang makipag-usap sa kanila tungkol sa sarili mong kalusugan sa isip.
Maaari mong gamitin ang mga madudulugan na nakalista sa ibaba o tawagan ang linya ng tulong ng NAMI Chicago sa 833-626-4244 o sa 311 upang maghanap ng therapist o tagapayo na malapit sa iyo.
Maraming mga ahensya ng kalusugang pangkaisipan ang nagbibigay ng mga serbisyo para sa mga kabataan at pamilya sa kanilang opisina, paaralan, komunidad, o iba pang mga lugar. Nag-iiba ang mga serbisyo ayon sa pangangailangan, kaya mahalagang magsimula sa isang tagapagbigay ng serbisyo na makakatulong sa pagtatasa sa mga pangangailangan ng iyong anak at makapagbibigay sa iyo ng plano ng serbisyo. Tumawag sa 311, sa hotline ng NAMI, o maghanap dito ng tagapagbigay ng serbisyo.
Mayroong ilang mga tagapagbigay ng serbisyo sa Chicago na nag-aalok ng mga serbisyo sa kalusugan ng isip anuman ang kita, katayuan sa seguro, katayuan sa imigrasyon o kakayahang magbayad. Kabilang dito ang mga Mental Health Clinic ng Lungsod ng Chicago, mga Federally Qualified Health Center, at ilang Community Mental Health Center. Tumawag sa 311 o sa NAMI Chicago sa 833-626-4244 upang makipag-usap sa isang tagapayo na maaaring magturo sa iyo ng mga opsyon sa paggamot, o maghanap sa direktoryo ng madudulugan dito.
Ang pakikipag-usap tungkol sa sarili mong mga isyu sa kalusugan ng isip ay maaaring maging mahirap, kahit na sa mga malalapit na kaibigan o miyembro ng pamilya. Gayunpaman, ang pagpapahayag ng mga bagay-bagay ay maaaring maging kapaki-pakinabang at magandang paalala na hindi ka nag-iisa sa mga damdaming maaaring nararanasan mo. Ang pakikipag-usap sa isang taong pinagkakatiwalaan mo at pagiging bukas at tapat tungkol sa iyong nararamdaman ay maaaring makapagpapalaya. Kahit na hindi mo alam ang eksaktong tamang paraan ng pagpapahayag tungkol dito, narito ang ilang paraan para makatulong na maipahayag mo ang iyong nararamdaman at nararanasan.
Mga sikologo – madalas na nagdadalubhasa sa isang partikular na pamamaraan ng therapy o nakatuon sa isang partikular na grupo ng mga tao (hal., mga bata, kabataan, LGBTQA). Ang mga sikologo ay nagbibigay ng tulong para sa malawak na hanay ng kalusugan ng isip o mga hamon sa buhay tulad ng mga isyu sa relasyon, kahirapan sa pag-aaral, paggamit ng droga, pagkabalisa, depresyon at pagharap sa stress. Sa Illinois, nagagawa ng mga sikologo na magreseta ng gamot at magsagawa ng mga pagsusuri na maaaring magtasa sa memorya, personalidad, mga hamon sa pag-aaral o iba pang mga isyu na maaaring matugunan ng tamang suporta at serbisyo.
Mga saykayatrista – mga medikal na doktor (MD) na dalubhasa sa mga kondisyon ng kalusugan ng isip at maaaring magreseta ng mga gamot. Maaari nilang i-diagnose at gamutin ang mga kondisyon na tulad ng depresyon, pagkabalisa, bipolar disorder, schizophrenia, at obsessive-compulsive disorder (OCD).
Mga Praktisyoner na Nars sa Saykayatriya – katulad ng mga saykayatrista, ang mga Praktisyoner na Nars sa Saykayatriya ay may advanced na degree sa pangangalaga na nakatuon sa mga kondisyon sa kalusugan ng isip at maaaring mag-diagnose at magreseta ng gamot.
Mga therapist sa pag-aasawa at pamilya – kadalasang ginagamot ang mga indibidwal, mag-asawa, o pamilyang nahaharap sa mga isyu sa relasyon o pagiging magulang. Ang mga therapist na ito ay may degree na tinatawag na Master of Family Therapy (MFT) na nagpapahintulot sa kanila na magpakadalubhasa sa larangang ito.
Mga Lisensyadong Tagapayo sa Klinikal na Pagsasanay (Licensed Clinical Practicing Counselors, LCPC) – sinanay upang sumuri at gumamot ng hanay ng mga kondisyon sa kalusugan ng isip na maaaring makaapekto sa kakayahan ng isang tao na gumalaw. Sinusuri nila ang mga tao nang indibidwal at sa mga grupo.
Mga Lisensyadong Klinikal na Social Worker (Licensed Clinical Social Workers, LCSW) –Ang klinikal na social work ay isang espesyalidad na larangan ng pagsasanay ng social work na nakatutok sa pagtatasa, pag-diagnose, paggamot, at pag-iwas sa sakit sa isip. Nagtatrabaho rin ang mga klinikal na social worker mula sa pananaw na “tao-sa-kapaligiran”, na isinasaalang-alang hindi lamang ang kanilang indibidwal na kliyente, kundi pati na rin kung paanong ang access sa mga madudulugan at suporta ng komunidad ay maaaring makatulong sa kliyente.
Maraming tagapagbigay ng kalusugang pangkaisipan ang nag-aalok ng mga serbisyo para sa mga nasa hustong gulang, kabilang ang mga matatanda. Maaari mong matulungan ang miyembro ng iyong pamilya na tumawag sa 311 o sa hotline ng NAMI para talakayin ang iba’t ibang serbisyong magagamit sa Chicago. Bagama’t nag-aalok ang ilang tagapagbigay ng serbisyo ng mga serbisyo sa kalusugan ng isip anuman ang katayuan sa seguro, maaari mo ring tulungan ang iyong magulang o miyembro ng pamilya na matukoy kung saklaw ng kanilang seguro ang therapy sa kalusugan ng isip.
Kapag iniisip ang therapy o suporta sa kalusugan ng isip, malamang na iniisip mo ang harapan na sesyon na nakikipag-usap ka sa isang therapist. Bagama’t napakakaraniwan nito, maraming iba pang mga uri ng therapy o suporta.
Maaari mong piliing pumunta sa isang grupo ng suporta o therapy ng grupo na nakatuon sa isang isyu at maaaring pinamumunuan ng isang tagapayo. Kung naghahanap ka ng suporta para sa isang isyu sa relasyon o sa pamilya, maaari kang makinabang mula sa therapy ng pamilya o mag-asawa kung saan ay pag-uusapan ninyo ng iyong asawa o pamilya ang tungkol sa isang isyu kasama ang isang therapist.
Ang mga therapist at tagapayo ay madalas na sumusuporta sa pagtukoy kung maaaring kapaki-pakinabang na opsyon ang gamot (mga anti-depressant, halimbawa) at maaari silang magreseta ng gamot o ikonekta ka sa isang tagapagbigay ng serbisyo na makagagawa nito. Ang mga therapist at tagapayo ay maaari ring magkaroon ng ibang pamamaraan sa therapy, na sasabihin nila sa iyo sa unang pakikipag-usap o pakikipagkita mo sa kanila.
Upang matuto nang higit pa tungkol sa iba’t ibang uri ng suporta sa kalusugan ng isip, pumunta dito. Upang makausap ang isang tao tungkol sa kung anong uri ng therapy ang pinakamainam para sa iyo, tawagan ang NAMI Chicago sa 833-626-4244.
Dapat ay maging komportable ka sa taong pipiliin mong maging therapist. Hilingin sa kanila na sabihin sa iyo ang kanilang pananaw sa therapy, ang paraan ng pagsasagawa nila ng sesyon ng therapy at ang mga uri ng mga isyu na pinagtutuunan nila ng pansin sa kanilang pagsasanay. Dapat rin ay hindi ka mag-atubiling sabihin ang mga bagay na inaasahan mong maitutulong sa iyo ng iyong therapist o tagapayo. Ayos lang din na sabihin sa kanila na may pakiramdam kang kailangan mo ng tulong ngunit hindi ka lubos na sigurado sa mga detalye sa kung bakit ganoon—matutulungan ka nilang malaman iyon. Sa unang pakikipag-usap mo sa therapist o tagapayo, huwag kang mag-atubiling sabihin na bago ka sa proseso – mas malamang kaysa sa hindi na gagabayan ka nila sa mga hakbang upang matulungan kang magpasya sa kung ano ang kailangan mo. Makakatulong din na makipag-usap ka sa kanila tungkol sa kung anong uri ng suporta ang makakatulong o hindi makakatulong para sa iyo. Kung hindi angkop ang unang therapist o tagapayo na kausap mo, ayos lang iyon. Ipinakikita ng pananaliksik na mahalaga ang matibay na ugnayan sa pagitan ng therapist at pasyente sa proseso ng paggamot kaya huwag kang mag-atubiling makipagkita sa ilang therapist bago ka magpasya sa isa na sa tingin mo ay tama para sa iyo.
Ang aasahan sa isang sesyon ng therapy o pagpapayo ay nakadepende sa uri ng therapy na iyong hinahanap. Maaaring mayroon kang isang partikular na isyu o problema na gusto mong talakayin, o maaaring magtanong sa iyo ang therapist / tagapayo tungkol sa iyong buhay upang mas maunawaan ang kailangan mo.
GAWIN ANG SUSUNOD NA HAKBANG
Maghanap ng Suporta sa Kalusugan ng Isip Sa Aking Kapitbahayan
Kapag handa ka nang kumuha ng suporta, tumawag o mag-text saNAMI Chicago Helpline sa 833-626-4244 o sa 311 upang tuklasin ang iyong mga opsyon.